^

Police Metro

3.3 milyong naapektuhan ng bagyo, habagat; 104 lugar nasa state of calamity - NDRRMC

Joy Cantos - Pang-masa
3.3 milyong naapektuhan ng bagyo, habagat; 104 lugar nasa state of calamity - NDRRMC
Residents take advantage of the sunny weather as they wash their muddied clothes and other belongings in Marikina City on July 27, 2024, a few days after the onslaught of Super Typhoon #CarinaPH and southwest monsoon.
Photos by Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 3.3 milyong katao ang naapektuhan ng magkakasunod na Tropical Depression Butchoy at bagyong Carina na pinalakas pa ng habagat habang nasa 104 namang lugar ang isinailalim sa state of calamity, ayon sa National Disaster Risk and Reduction Management Council (NDRRMC) nitong Sabado.

Ayon sa NDRRMC, nasa 905,086 pamilya o kabuuang 3,360,339 katao ang naapektuhan ng masamang lagay ng panahon. Sa nasabing bilang nasa 1.1 milyon mula sa 270,000 pamilya ang inilikas sa mga evacuation centers habang ang iba pang mga apektado ay nanuluyan naman sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa ligtas na lugar.

Nasa 104 namang lugar ang isinailalim sa state of calamity sa Butchoy, Carina at habagat. Sa nasabing bilang ay apat na lugar ang una nang isinailalim sa state of calamity kay Butchoy na nagdulot ng mga pagbaha sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas Region.

Kabilang sa isinailalim sa state of calamity ay 57 lugar sa Central Luzon; 24 sa CALABARZON,  17 sa National Capital Region, tatlo sa MIMAROPA o Region IV-B, dalawa sa SOCCSKSARGEN o Region 12 at isa sa Davao Region.

Sa rekord ng NDRRMC, nasa 16 katao ang nasawi na kinabibilangan ng lima sa CALABARZON, apat sa Zamboanga Peninsula, tig-dalawa sa Central Luzon at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, tig-isa sa Northern Mindanao, Davao Region at National Capital Region; pawang namatay sa landslide at pagkalunod.

Samantala, dalawang tao ang nawawala, isa rito sa CALABARZON at isa sa Northern Mindabao, habang apat naman ang sugatan sa Northern Mindanao at Cordillera Administrative Region (CAR) dulot ng bagyo.

Gayunman, higit na mataas ang bilang na naitala ng Philippine National Police (PNP) na nasa 34 ang itinalang death toll  habang ayon sa NDRRMC ay isasailalim pa nila ito sa masusing beripikasyon.

Sa kasalukuyan, nasa 78 na kalsada at pitong tulay ang hindi pa rin madaanan dahil sa pagbaha at landslides. Karamihan dito ay nasa NCR na nasa 22 kalsada, Ilocos Region, 19 kalsada at dalawang tulay gayundin sa CALABARZON na nasa 14 kalsada naman at dalawang tulay ang apektado.

Iniulat din na nasa 22 pang lugar ang wala pa ring supply ng kuryente na kinabibilangan ng siyam na lugar sa CALABARZON at lima naman sa Ilocos Region.

vuukle comment

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with