^

Police Metro

Naningil ng utang binayaran ng bala, todas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Naningil ng utang binayaran ng bala, todas
Dalawang araw na naratay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Armin Ledesma Masangkay, 54, driver at residente ng Barangay Culiat, Quezon City bago binawian ng buhay, kamakalawa ng umaga.
Image by danilo.alvesd via Unsplash

MANILA, Philippines — Hindi sukat akalain ng isang lalaki na ang paniningil niya ng utang ang magi­ging dahilan ng kanyang kamatayan matapos na siya ay barilin ng kapitbahay na may utang sa kanya nitong Martes sa Quezon City.

Dalawang araw na naratay sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Armin Ledesma Masangkay, 54, driver at residente ng Barangay Culiat, Quezon City bago binawian ng buhay, kamakalawa ng umaga.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Gregorio Blanco Linog, 69, construction worker, kapitbahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCDP-CIDU) nangyari ang insidente, alas-2:00 ng hapon noong Martes sa Purok 2, Certeza Compound, Barangay Culiat, Quezon City.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Monawara Ayunan Salamat, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek upang maningil nang utang.

Ilang sandali ang nakalipas ay nakarinig na lamang ito ng putok ng baril at nang puntahan ang bahay ng suspek ay nakita niyang duguan ang biktima habang hinuhugasan ng suspek ang kanyang mga duguang kamay.

Agad ding naaresto ng mga barangay officials at pulis ang suspek na kinasuhan ng murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with