MANILA, Philippines — Tuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes, Hulyo 29 sa kabila ito na lubog pa rin sa baha ang ilang mga lugar dulot ng bagyong Carina at Habagat.
Ito ay matapos atasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Education (Deped) na kanyang inihayag sa isang ambush interview sa San Mateo, Rizal.
Giit ng pangulo hanggang maaari ay kailangang magtuloy ang pagbubukas ng mga klase, bagama’t batid niya na mayroong mga paaralan na may kaunting tubig at iniwang mga putik at hindi magamit ang mga kagamitan, subalit mapapalitan naman ang mga ito.
Sa kabila nito, sinabi ng Pangulo na ipapaubaya pa rin niya sa mga local head ng mga paaralan ang pagpapasya kung itutuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes.
“Gawin nyo ang lahat.Buksan nyo, ang pagpasok gawin nyo hangga’t maaari, kung kaya nyong buksan. That’s the usual ano, hangga’t maaari, open the schools and conduct classes. There are areas na hindi talaga pwede,” sinabi pa ng Pangulo.