Magbigay ng babala bago magpakawala ng tubig sa dam-Marcos

The Prinza Dam between Las Piñas and Bacoor, Cavite has overflowed due to continuous rainfall brought by typhoon Carina and the southwest monsoon on Wednesday.
Facebook/Las Piñas City Update)

MANILA, Philippines — Para maiwasan ang mga aksidente at pagkawala ng buhay ay magbigay muna ng babala sa mga residente ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno bago magpakawala ng tubig sa mga dams.

Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa situation briefing para i-assess ang epekto ng bagyong Carina at habagat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Emilio Aguinaldo, Quezon City.

Giit pa ni Marcos, kailangan na maabisuhan muna o mapadalahan ng tulong para mag-evacuate ang mga areas na aabutan at madala ang mga apektadong residente sa mga evacuation center.

Show comments