PNP idinepensa ang pagtanggal sa 75 police security ni VP Sara
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang personalan at walang pulitika ang pagtanggal ng police security ni Vice President Sara Duterte na itinaon sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon kay Marbil, walang katotohanan na pinag-iinitan nila ang bise presidente na 75 police security ang tinanggal.
Paliwanag ni Marbil, ang pag-recall sa police security ng iba’t ibang personalidad ay upang i-rationalize ang deployment ng mga pulis sa security operations.
Sa katunayan aniya, bago ipinatupad ang recall order nakipag-usap ang Police Security Protection Group (PSPG) sa chief of staff ng Bise Presidente at ipinaalam ang pagtatanggal ng mga PNP personnel at inilipat sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
- Latest