SONA 2024 ‘generally peaceful’- PNP

Philippine President Ferdinand Marcos (L) greets well-wishers after delivering the annual State of the Nation Address at the House of Representatives in Manila on July 22, 2024.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kabila ng mga pag-uudyok ng mga raliyista at pagsusunog ng effigy ng Pangulong Marcos nitong Lunes ng hapon.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang mga raliyista na nagsunog ng effigy.

Ayon kay PNP Public Information Office chief at Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ang ‘peaceful na SONA’ ay bunsod ng lubos na paghahanda ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gayundin ang koordinasyon ng mga pro at anti Marcos protesters.

Sa pagtaya ng PNP, nasa 4,500 protester ang anti-administration habang nasa 3,000 naman ang pro Marcos.

Dagdag pa ni Fajardo, na inaayos na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr ang documentation ng pagsusunog ng effigy na malinaw na labag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985.

Show comments