MANILA, Philippines — Dahil sa nagbabadyang ‘privatization’ sa pamamagitan ng partnership ng pamahalaan sa pribadong sector ay sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malapit ng maging world-class ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) “Once considered as among the worst and most stressful airports in the world, it will soon be a world-class international airport that we can be proud of,” sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa sa Quezon City, araw ng Lunes.
Sa sandaling maayos na aniya ang NAIA, aabot naman sa 48 flights ang kayang lumipad kada oras at makapagbibigay serbisyo ng 62 milyong pasahero kada taon.
Idinagdag pa ng Pangulo, na may mahigit 70 na airport at seaport development projects sa buong bansa ang malapit nang matapos habang 350 iba pang proyekto ang matatapos sa 2028.