MANILA, Philippines — Matatanggap na ng mga public school teachers ang kanilang P5,000 chalk allowance sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hulyo 29, at sa kauna-unahang pagkakataon, ito ay magiging tax-free!
Ito ang inanunsiyo kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara kahapon sa ginawa niyang pagbisita sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales sa Mandaluyong City.
Ayon kay Angara, sa pagbubukas ng klase sa School Year 2024-2025 ay P5,000 muna ang matatanggap na chalk allowance ng mga guro.
Gayunman, alinsunod sa Kabalikat sa Pagtuturo Act, na nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang buwan, inaasahang madodoble ito at magiging P10,000 na sa susunod na taon.