^

Police Metro

Sunog sa Caloocan, 1 babae patay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang babae ang kumpirmadong nasawi matapos na makulong sa nasusunog niyang bahay sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na nakalabas ang 58-anyos na biktima mula sa nasusunog na bahay na umano’y gumagamit lamang ng kandila. Nailigtas naman ang isang batang lalaki.

Ayon kay SFO4 Bene­dicto Tudla ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog dakong alas-4:00 ng madaling araw sa Arellano St.

Mabilis na kumalat ang apoy kung saan nadamay ang ilan pang kabahayan.

Mangiyak ngiyak naman ang mga nawalan ng tirahan dahil sa wala silang naisalbang gamit kabilang ang isang dialysis patient.

Idineklarang fire out ang sunog, alas-6:00 ng umaga habang tinata­yang nasa P200,000 ang danyos ng sunog.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with