^

Police Metro

Tinedyer tinangay ng agos sa ilog, nalunod

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 13-anyos na binatilyo ang idinekla­rang dead on arrival matapos malunod nang siya ay tangayin ng malakas na agos ng tubig habang naliligo sa ilog sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Khaydel Buensoleso, residente ng Simoun St., Tondo, ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-6:51 ng gabi nang ma­diskubre ang bangkay ng biktima sa ilalim ng Infanta Bridge sa Tondo.

Nauna rito, nagkayayaan umano ang biktima at kanyang mga kaibigan na maligo sa ilog sa kabila ng pabugsu-bugsong malalakas na pag-ulan.

Sa kasagsagan ng kanilang paliligo, napuna umano ng mga kaibigan ng biktima na nawawala na ito at tinangay pala ng malakas na agos ng tubig matapos bumuga ang pumping o flood control kaya’t kaagad na ipinagbigay-alam sa kanyang ina.

Ang ginang naman ang siyang humingi ng tulong sa mga otoridad upang hanapin ang kanyang anak at nang matagpuan ay kaagad itong isinugod sa pagamutan ngunit binawian na rin ng buhay.

vuukle comment

NALUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with