^

Police Metro

Babae pinatay, tsinap-chop ng dyowa

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 29-anyos babae na nawawala ng halos isang buwan ay napag-alaman na pinatay ng kanyang lover na kung saan ay hinati sa tatlong bahagi ang katawan nito bago inilibing sa ilalim ng kanilang barung-barong na bahay sa Barangay 5, Lucena City, Quezon, kamakalawa.

Naaagnas na ang katawan ng biktimang si Ronalyn Alvarez, 29, matapos na umanin sa krimen ang live-in partner nitong si Ryan Porga, 29, isang construction worker.

Ayon kay PLt. Col. William Angway, chief of police dito, bandang alas-2:00 ng hapon habang kinakausap ang suspek ng imbestigador sa police headquarters matapos na naaresto sa kasong paglabag sa BP 22 ay naging emosyonal ito.

Dito ay ikinanta ng suspek na siya responsable sa pagkawala ng kanyang ka-live in noong June 30, 2024.

Nabatid na habang nasa loob sila ng kanilang barung-barong ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa pagsasaksakin niya ng icepick ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Gamit ang isang gulok, pinutol ng suspek ang ulo, katawan at hita ng ka-live-in saka inilagay sa sako at inilibing sa ilalim ng kanilang bahay upang itago ang krimen.

Ibinunyag din ng suspek na noong March 2023 ay magkatulong nilang pinatay ni Rona­lyn ang kapitbahay nilang si Analyn Orjejada saka inilagay sa drum at inilibing sa ilalim ng kanilang bahay at sinementuhan ang sahig.

Upang mapatunayan ang kanyang itinuga ay sinamahan ang suspek ng mga operatiba ng SOCO at doon ay nakumpirma ang ginawa niyang krimen. Nakakulong na ang susapek na kakasuhan ng double murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with