POGO ipinagbawal na ni Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — “Effective today, all POGOs are banned.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) na pagbabawal sa lahat ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Sinabi ni Marcos na pampagulo lamang ang POGO sa bansa kaya’t nararapat na itong mahinto.
“The grave abuse and disrespect to our system and laws must stop. Kailangan na itigil ang panggulo nito sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa,” ani Marcos.
Matatandaan na sa nakalipas na mga buwan, ilan sa malalaking POGO hub sa Tarlac at Pampanga ang sinalakay ng mga otoridad dahil sa mga iligal na aktibidad ng mga ito.
- Latest