Bagyong Carina pasok na sa ‘Pinas
MANILA, Philippines — Kasabay ng paglabas ng bagyong Butchoy sa Philippine area of Responsibility (PAR), isa pang bagyo na tinawag na “Carina” ang nakapasok na sa bansa.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang bagyong Carina ay inaasahang lalakas at maaabot ang tropical storm category sa susunod na 12 hanggang 24 oras.
Sa Lunes, mananatili ang lakas ng bagyong Carina at kikilos pakanluran hilagang kanluran ng Philippine Sea.
Si Butchoy ay unang namataan sa layong 565 kilometro ng kanluran ng Iba, Zambales habang paalis ng bansa alas-10 ng umaga ng Sabado.
Bagama’t lumabas na si “Butchoy”, ang bagyong Carina ay inaasahang magpapalakas sa Habagat na magdudulot ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan sa buong western portion ng Luzon hanggang Martes.
Ang habagat ay magdadala rin ng masungit na panahon sa may baybaying dagat at upland areas partkular sa Kalayaan Islands, Calabarzon, Mimaropa, Bicol region, Western Visayas, Zambales, Bataan at Metro Manila.
Ngayong Linggo, si Carina ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran habang sa Lunes, ito ay kikilos sa pangkalahatang direksyon pahilaga o hilagang kanluran ng Philippine Sea papuntang Ryukyu archipelago.
Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na huwag papalaot gayundin ang mga sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon sa karagatan dulot ng bagyo.
- Latest