MANILA, Philippines — Sa pakikipagtulungan sa Hong Kong-based Asia Research Center (ARC) ay natapos na ng HKPH Public Opinion and Research Center ang detalyadong pagsusuri ng performance ng mga local chief executive sa National Capital Region (NCR).
Ang survey na isinigawa mula Hunyo 10-18, 2024, na kinasangkutan ng 1,200 kalahok ay nagbigay ng mahahalagang impormasyon.
Bilang isang independiyente at di-komisyong survey, nagbibigay ito ng matibay at obhetibong pagsusuri sa performance ng mga alkalde sa iba’t ibang metrics, kabilang ang kahusayan sa pamamahala, paghahatid ng serbisyong pampubliko, pagiging bukas at transparency, at kasiyahan ng mamamayan.
Ipinakita ng mga resulta ng survey na sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval; Quezon City Mayor Joy Belmonte; Parañaque City Mayor Eric Olivarez; at Navotas City Mayor John Rey Tiangco na nasa tuktok ng listahan, na may job performance ratings na 88.9%, 88.6%, 88.4%, at 88.2%.
Sumunod sa kanila si Caloocan City Mayor Along Malapitan na nasa ikalawang puwesto na may 86.8%; Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian-85.6%, Pasig City Mayor Vico Sotto; at Marikina City Mayor Marcy Teodoro ay parehong may 83.1% at 82.5%.
Sumunod si Makati Mayor Abby Binay- 81.2%; Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano-78.8%; Manila City Mayor Honey Lacuna-76.5%; Mandaluyong City Mayor Ben Abalos Sr.-75.35%; Taguig City Mayor Lani Cayetano-73.7%; at Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa ikasampung puwesto na may 72.1%.
Sina Mayor Ike Ponce III ng Pateros at Imelda Aguilar ng Las Piñas City ay magkasamang nasa ikalabing-isang puwesto na may 70.4% at 70.2%. Nasa huli sa listahan si Mayor Francis Zamora ng San Juan City na may 68.6%.
Ipinakita ni Steven Su, ang survey director, ang komprehensibong ulat mula sa HKPH-ARC tungkol sa performance assessment ng mga NCR Mayor. Binati niya ang mga alkalde para sa kanilang positibong pagsusuri, ayon sa rating ng kanilang mga nasasakupan.