^

Police Metro

8 baybayin sa Samar positibo sa red tide - BFAR

Angie dela Cruz - Pang-masa
8 baybayin sa Samar positibo sa red tide - BFAR
Customers shop for fresh seafood at a wet market in Manila.
AFP / Jay Directo

MANILA, Philippines — Hindi bababa sa walong baybayin sa Samar Island ang positibo sa toxic red tide batay sa pinakahuling seawater sampling kung saan ang ilang bahagi ng dagat ay nagpapakita ng red discoloration.

Sa advisory na inilabas kahapon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may nakitang red tides sa tubig-dagat ng Daram Island; Isla ng Zumarraga; Maqueda Bay sa mga bayan ng Jiabong, Motiong, Paranas, San Sebastian, Calbiga, Pinabacdao, at Hinabangan; Cambatutay Bay sa Tarangnan; at Irongirong Bay sa Catbalogan City.

Ang iba pang mga baybayin na apektado ng red tide ay ang baybayin ng Guiuan sa Eastern Samar; Matarinao Bay sa mga bayan ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo, sa Eastern Samar; at ang baybaying tubig ng Calbayog City sa Samar.

Mahigpit na pinapa­yuhan ang lahat na huwag mangolekta, magbenta, o kumain ng anumang uri ng shellfish, kabilang ang maliliit na hipon mula sa dagat ng Samar.

RED TIDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with