MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na handa na ang Kamara para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na isasagawa sa darating na Lunes.
Sinabi ni Romualdez, na ang mga paghahanda para sa SONA 2024 ay matagumpay kaugnay naman ng isinagawang pinal na interagency meeting sa pagitan ng Office of the President, mga kinatawan ng Kamara at Senado at iba pang ahensya nitong Hulyo 15 para tiyakin ang seguridad sa SONA.
“The anticipation within the hallowed halls of this august chamber is palpable as we stand ready to hear and appreciate the accomplishments of the Marcos administration,” pahayag ni Romualdez.
“It fills me with immense pride to recognize the significant role that the House of Representatives has played in crafting legislation and policies that promote the welfare of all Filipinos. We are excited for the President’s SONA because we know he has many positive developments to share with the nation,” ani Romualdez.
Ayon kay Romualdez habang ang SONA ay sumasalamin sa tagumpay ng administrasyong Marcos ay mai-outline rin ang plano ng Pangulo sa mga susunod na taon kabilang ang papel ng Kongreso para dalhin ang mga programa ng gobyerno sa mamamayang Pilipino.
Sinabi ni Romualdez na ang mahalagang talumpati sa bayan ng punong ehekutibo ay magbibigay ng komprehensibong pangkalahatang ideya sa progreso ng administrasyon at magtakda ng entablado para sa mga lehislatibong inisyatibo sa hinaharap para isaayos ang landasin ng bansa.