^

Police Metro

3 sangkot sa kidney for sale, nasakote ng NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniharap kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong suspek na sangkot sa umanoy organ trafficking o nagbebenta ng bato o kidney sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na mayroong nakuhang donor ang mga suspek na sina Angela Atayde, Marichu Lomibao at Dannel Sicat na ngunit hindi ito binayaran at nahuli sila noong July 11 sa isang nirerentahang bahay sa San Jose Del Monte Bulacan.

Dahil hindi nabayaran ang biktima ng mga suspek ay agad nagsumbong sa NBI kayat agad na nagkasa ng raid ang ahensiya na nagdulot nang pagsagip  sa 9 katao dito. Sa siyam ay apat dito ay nakuhanan na ng “kidney” at lima ay inihahanda na para sa operasyon.

Umamin naman ang 2 sa mga suspek na dati rin silang donor ng kidney at sumama na sila sa operasyon kalaunan dahil sa pag-aakalang ito ay legal at dahil na rin sa pangangailangan sa pera.

“Masyado nila vini-victimize lalo na ‘yung mga kababayan nating mahihirap, isusugal ang kanilang buhay para lamang kumita by selling biro mo organs,” sabi ni Santiago.

Sa imbestigasyon ng NBI, ginagawa ang transaksyon sa social media kapalit ang bayad na P200,000 at ginagawa ang ilegal na operasyon sa malalayong lugar.

Ang mga suspek ay sinampahan na ng paglabag sa section 4 ng Expanded Anti Human Trafficking Act.

vuukle comment

KIDNEY

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with