Rep. Castro, Satur Ocampo, 11 pa kulong ng 6 taon
MANILA, Philippines — Hinatulang guilty ng korte sa Tagum, Davao del Norte sina ACT Teachers party-list Representative France Castro at dating Bayan Muna party-list representative Satur Ocampo at 11 pa sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610 Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.
Sa 25-pahinang desisyon, hinatulang guilty ng Tagum Regional Trial Court Branch 2 sina Castro, Ocampo, at 11 iba pa sa paglabag sa Section 10(a) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at hinatulan sila ng pagkakulong mula apat na taon hanggang anim na taon.
Ang korte ay nag-utos sa kanila na magbayad, magkasama at magkahiwalay, ng P10,000 bilang civil indemnity at P10,000 bilang moral damages sa bawat menor de edad, na may interest rate na 6% kada taon mula sa pagtatapos ng desisyon hanggang sa buong pagbabayad.
“Ipinakikita ng mga talaan na ang prosekusyon ay nakapagtatag ng patunay na lampas sa makatwirang pagdududa na [ang] akusado… nakagawa ng mga gawaing nakapipinsala sa kaligtasan at kapakanan ng mga menor de edad na Lumad na mag-aaral,” sabi nito.
Nag-ugat ito sa kasong trafficking na isinampa laban sa kanila at sa 17 iba pa dahil sa paghawak umano ng mga menor de edad sa kanilang solidarity mission sa Talaingod, Davao Del Norte noong Nobyembre 2018.
Tinawag naman nina Castro at Ocampo na hindi katanggap-tanggap at hindi makatarungan ang desisyon ng korte.
- Latest