Seguridad ni Mayor Guo at iba pa sa kulungan, tiniyak ng Senado

Sen. Risa Hontiveros resumes the probe on Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo’s alleged involvement in illegal Philippine offshore gaming operations on May 22, 2024.
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Handa na ang detention facilities para kay suspended Tarlac, Bamban Mayor Alice Guo at mga kasama nito sa  sandaling maaresto sila.

Ito ang tiniyak ni Senate President Francis “Chiz’ Escudero at kanilang seguridad  sa kulungan sa  Senado.

Maging si Sena­te Sergeant At Arms ­retired Lieutenant Gene­ral Rober­to Ancan ay inayos na ang lugar na pagkukulungan ni Guo at mga kasama sakaling maaresto na ang mga ito.

Matatandaan na nitong nakalipas na linggo ay naglabas ng arresto order ang Senado para kay Guo at iba pang personalidad dahil sa kabiguan nilang dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa ni-raid na POGO hubs sa Bamban, Tarlac na kung saan ang accountant ni Guo na si  Nancy Jimenez Gamo ang naaresto.

Show comments