^

Police Metro

Pinauwing Pinoy na biktima ng trafficking sa Myanmar, nadiskubreng Chinese – BI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang nagpakilalang Pinoy na biktima ng trafficking at ipadeport mula sa Myanmar ay natuklasan na isa palang Chinese national.

Nataranta ang mga opisyal ng imigrasyon matapos ipakita ni alyas ‘King’, 40-anyos ang kanyang sarili bilang isang Filipino sa arrival inspection, sa kabila ng pagiging isang dayuhan.

Ayon sa BI, si alyas ‘King’, ay umalis ng bansa noong Hulyo 2023 patungong Thailand gamit ang Chinese passport, na may hawak na permanent residence visa sa ilalim ng RA 7919.

Inamin niya na ginamit niya ang kanyang Chinese passport gaya ng payo ng kanyang mga recruiter para maiwasan ang pagtatanong tungkol sa kanyang layunin sa paglalakbay.

Pagdating umano nito sa Thailand, tumawid ito sa ilog patungong Myanmar kasama ang 3 iba pa. Ikinuwento niya kung paano siya binayaran lamang ng isang buwan, ngunit pinarusahan siya kalaunan.

Pinalaya siya matapos bayaran ang kanyang mga recruiter ng 20,000 baht o higit sa P32,000, ngunit inaresto ng Thai immigration at pinigil ng 3 buwan.

Sa takot na maibalik sa China, idineklara niyang siya ay Filipino at hindi na nakabalik pa sa China simula nang dalhin sa Pilipinas ng kaniyang ina nang siya ay 6-na buwan pa lamang.

Permanent residence holder ang ina at ang ama diumano ay naturalized Filipino. Naisyuhan ng Philippine travel document ng Philippine Embassy sa Bangkok kaya  naideport sa bansa.

Nakapiit na sa BI holding facility sa Bicutan si King habang inihahanda pa ang deportation case para sa proseso ng pagpapatapon pabalik ng China.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with