P1 milyong pabuya nakatulong sa pag-aresto sa kapwa akusado ni Quiboloy
MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga otoridad sa Davao City ang kasamahan ng puganteng “Appointed Son of God” na si Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon sa ulat, naaresto kahapon si Paulene Canada sa isang subdivision sa bisa ng warrant na may kinalaman sa human trafficking, na isang non-bailable offense.
Si Canada ay miyembro ng religious group ni Quiboloy ay may patong na P1 milyon at No. 6 most wanted sa Davao Region.
Dahil dito ay ikinokonsidera ng Philippine National Police (PNP) na magdagdag ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Quiboloy.
Si Quiboloy na may patong sa ulo na P10 milyong pabuya para sa kanyang ikadarakip dahil sa mga reklamong may kaugnayan sa child prostitution, sexual abuse, human trafficking, acts of neglect, abuse, cruelty o exploitation.
Bukod kay Canada, kapwa-akusado rin sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Cemañes, at Jackielyn Roy na may tig-P1 milyon din na patong sa ulo.
- Latest