^

Police Metro

Anti-human trafficking campaign ng DOJ pinuri

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinuri ni three-time Congressman at kasalukuyang Quezon City Councilor Alfred Vargas ang mga programa ng Department of Justice (DOJ) sa pagsugpo sa problema ng human trafficking sa bansa kaugnay sa naiulat na Tier 1 status ng Pilipinas sa Trafficking in Persons Report ng U.S. government.

“Isa tayo sa mara­ming mga kumikilala sa mga napagtagumpayan ng DOJ sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa pamumuno ni Secretary Boying Remulla,” ani Vargas.

“We have excellent experts and administrators in the DOJ, like the highly regarded USec Jesse Andres, and they have really pushed the boundaries of what the department can bring to the Filipino people,” dagdag ni Vargas.

Sa naunang pahayag, ibinahagi ni Secretary Remulla na mas determinado ang pamahalaan na usigin ang mga nanamantala sa mga Pilipino, lalo na ang mga vulnerable sectors tulad ng mga bata at kababaihan.

Ayon kay Vargas, ang kakabalitang Tier 1 status ng bansa ay salamin ng pagpupursige ng DOJ na protektahan ang mga Pilipino sa pang-aabuso, lalo na ang mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation.

Kaakibat din diumano nito ang mas pinaigting na pag-imbestiga sa mga kaso ng human trafficking, paglitis at pag-convict ng traffickers sa mga korte, pagtulong sa mga biktima, pagpasa ng mga agarang polisiya, at pagpapalakas sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

ALFRED VARGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with