19 police commanders sa Davao inalis sa pwesto

Ito’y halos tatlong linggo matapos namang maluklok sa puwesto ang bagong talagang si Davao Regional Police Director P/Brigadier General Nicolas Torre at kabilang sa 19 opisyal na  nahagip sa pagbabalasa ay  ang acting Chief of Police ng Davao City.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Nasa labingsiyam chief of police at station commander sa Davao City ang tinanggal sa puwesto na pinalitan ng mga opisyal ng pulisya mula sa ibang lalawigan sa ipinatupad na malawakang rigodon na kaunaunahan sa kasaysayan.

Ito’y halos tatlong linggo matapos namang maluklok sa puwesto ang bagong talagang si Davao Regional Police Director P/Brigadier General Nicolas Torre at kabilang sa 19 opisyal na  nahagip sa pagbabalasa ay  ang acting Chief of Police ng Davao City.

Itinalaga naman ni Torre si Col. Lito Patay bilang bagong Davao City Police Director na humalili kay Acting Davao City Police Chief Rolindo Soguilon.

Ayon kay Major Catherine dela Rey, PNP Davao Regional Spokesperson ang malawakang balasahan ay bahagi ng responsibilidad at kautusan ng bagong talagang Police Director sa rehiyon.

Si Torre ay itinalaga bilang Director ng Davao Regional Police Office noong Hunyo na pinalitan sa puwesto si P/Brig. Gen. Aligre Martinez at kasunod nito ay tinanggap sa puwesto ang mahigit isang dosenang Davao City-based personnel kabilang ang pitong Station Commanders.

Hindi naman maipaliwanag ni Dela Rey ang dahilan ng pagbabalasa sa pagsasabing tungkulin ito ng bagong Regional Director.

Show comments