^

Police Metro

MPV driver todas sa pagbangga sa nakaparadang trailer truck

Mer Layson - Pang-masa
MPV driver todas sa pagbangga sa nakaparadang trailer truck
Namatay noon din ang driver nang sumalpok ang minamaneho nitong Mitsubishi Xpander Cross sa nakaparadang trailer truck sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd., Tondo, Maynila, kahapon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Dead-on-the spot ang isang driver nang bumangga ang minamaneho niyang multi-purpose vehicle (MPV) sa isang nakaparadang trailer truck sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nagtamo ng ma­tinding pinsalang tinamo sa kanyang ulo at katawan ay nasa edad 40 hanggang 50 at nakasuot ng guhitang polo.

Sa ulat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-8:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa northbound ng Mel Lopez Boulevard, kanto ng Moriones St., Tondo.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang isang itim na Mitsubishi Xpander Cross (NGX 5776) at binabagtas ang kahabaan ng northbound lane ng Mel Lopez Blvd., at pagsapit sa kanto ng Moriones St., ay nasalpok nito ang nakaparadang trailer truck (AAR 2235) sa lugar at minamaneho ni Jomar Generaldo, ng Malinta, Valenzuela City.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi ng MPV na agarang ikinasawi ng biktima.

Sinasabing ipinarada ng driver ang truck sa naturang lugar upang matulog sana at magpahinga.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with