^

Police Metro

PNP hawak na ang 5 persons of interest sa pagpatay sa beauty queen at nobyong Israeli

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
PNP hawak na ang 5 persons of interest sa pagpatay sa beauty queen at nobyong Israeli
Mutya ng Pilipinas Pampanga 2024 bet Geneva Lopez and Israeli boyfriend Yitshak Cohen in this photo posted on Facebook on June 25, 2024.
Facebook/Finding Geneva and Yitshak

MANILA, Philippines — Hawak na ng pulisya ang lima sa pitong persons of interest sa pagdukot at pagpatay sa beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at Israeli boyfriend nitong si Yitshak Cohen.

“Lima na po ‘yung nasa custody natin, tatlo arrested for different cases, dalawa po ay surrendered and gave their testimonies and dalawa lang po ‘yung at large,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Marbil.

Idinagdag ni Marbil na aarestuhin din ng PNP ang dalawa iba pa matapos na makakalap ng matibay na ebidensya at makapaghain ng mga kaso.

“Hindi ko pa masabi identities dahil hindi pa na-fi-file ang case but afterwards we can give the whole report,” ani Marbil.

Matatandaan na natagpuan ng mga otoridad ang labi ng dalawang indibidwal sa quarry site sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac dalawang linggo matapos itong mawala noong Hunyo 21.

Sinabi rin sa ulat na dalawa sa pitong persons of interest ay mga dating pulis. Isa rito ay kinilalang si Michael Angelo Guiang.

Ito ang nagsilbing middleman nina Lopez at Cohen para sa planong bilhing 20.5 ektaryang agricultural land ng magkasintahan.

Samantala, naaresto sa hiwalay na operasyon noong Hulyo 6 ang isa pang dating pulis na si Rommel Abuza.

Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa firearms regulation law and possession of an explosive sa ilalim ng Republic Act No. 9516.

Si Guiang at Abuza ay nakatalaga sa Angeles City police sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at naalis sa serbisyo dahil sa pag-a-AWOL.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with