Birth certificate ni Guo, ipapakansela ng OSG
MANILA, Philippines — Nakatakdang ipakansela ng Office of the Solicitor General (OSG) sa ihahaing petisyon ang birth certificate ng suspendidong si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra ang paghahain ng cancellation of the birth certificate ay maglalatag ng batayan para sa kasunod na paghahain ng petisyon para sa quo warranto para mapatalsik si Guo bilang alkalde ng Bamban at masampahan pa ng karagdagang kaso.
Babanggitin sa petisyon ang umano’y kabiguan ni Guo na sumunod sa mga legal na kinakailangan para sa late registration of birth na isasampa sa Tarlac court.
Nauna nang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakakita sila ng mga iregularidad sa birth certificate ni Guo, habang ang National Bureau of Investigation (NBI) naman ang nagkumpirma na tumugma ang fingerprints ng alkalde sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.
Hindi naman binanggit ni Guevarra kung saang korte ihahain ang naturang petisyon sa isyu ng seguridad.
- Latest