Sekyu pinatay ibinaon sa fishpond

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng sekyu ang lumutang sa fishpond, kamakalawa  matapos na siya ay pata­yin at ibaon ng hindi pa nakilalang suspek naganap sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Rommel Alilio Manalo, nasa hustong gulang, security guard ng JKKK Security Agency na nagtamo ng taga sa ulo at kamay.

Sa ulat ng pulisya, alas-9:10 ng umaga nang makatanggap ng tawag ang Kawit Police mula sa security department ng JKKK Security Agency hinggil sa pagkakatagpo sa nakabaon na biktima sa isang fishpond sa nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:00 ng umaga ng matagpuan ang katawan ng biktima na nakabaon sa isang fishpond na hindi kalayuan sa lugar.

May malaking taga ito sa ulo at kamay patunay na sinalag pa ng biktima ang pagtaga sa kanya ng suspek na posibleng kilala nito.

Nang mapatay ay  itinago nito ang  krimen kung kaya’t ibinaon nito sa fishpond ang biktima, subalit lumutang likuran nito.

Show comments