MANILA, Philippines — Isang Chinezse national ang kapatid ni suspended Bamban Mayor Alice Guo.
Ito ang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil pareho ang fingerprints ng kapatid ni Alice na si Wesley Guo sa Chinese national na si Guo Xiang Dan gayundin ang kopya ng kanilang Philippine passport.
Sinasabing match ang fingerprints ng dalawa gamit ang record mula sa Board of Investments (BOI) at NBI biometrics record.
Sa record,dumating sa Pilipinas si Guo Xiang Dan noong 1999 at inilistang dependent son ni Lin Wen Yi, o ang nakarehistro ring ina ni Mayor Alice (Guo Hua Ping).
Mayroon din umanong hawak na Chinese passport si Guo Xiang Dan na mag-eexpire sa 2025 na salitan niyang ginagamit ang kanyang Philippine at Chinese passport mula 2003.