China gagamit ng hypersonic missile vs EDCA sites - Imee

A man walks among supersonic cruise missiles at the 13th China International Aviation and Aerospace Exhibition in Zhuhai in southern China's Guangdong province on September 28, 2021.
AFP/Noel Celis

MANILA, Philippines — Ikinabala ni Senator Imee Marcos ang posibleng paggamit ng China ng kanilang hypersonic missile sa mga military base sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ng Pilipinas at Estados Unidos.

“Eh natatakot talaga ako habang umiinit diyan sa WPS, may nakita ako na plano ng Tsina na gagamitin yung hypersonic missile. Hindi naman nila iniisip na lulusob dito sa Pilipinas yung katakut-takot na army nila, mga navy nila–hindi ganun–ang plano air,” sabi ni Marcos, chair ng Senate committee on foreign affairs.

“Ang sabi ng US hindi nila kaya labanan yung hypersonic missile. Mas lalo akong ninerbyos kasi akala ko kapag missile mayroon yung ibang bansa yung tinatawag na iron dome hindi makapasok yung missile. Kapag hypersonic daw, kayang-kaya pumasok,” dagdag niya.

Sabi ni Marcos, ang unang tatargetin ng Edca sites sa Batanes at Subic dahil sa presensya ng BrahMos missiles doon.

Hindi naman binanggit ng senador kung saan niya nakuha ang kaniyang mga impormasyon.

Show comments