‘Show cause order’ vs Baste, itinanggi ng DILG

Davao City Mayor Sebastian Duterte delivers a speech during the Hakbang Maisug Leader’s forum in Davao City on January 28, 2024.
STAR / Diana Lhyd Suelto

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang napaulat na nagpalabas sila ng “show cause order kay Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng mga pagbaha sa kanyang lokalidad noong nakaraang linggo.

“Ito po ay walang katotohanan as far as the DILG is concerned,” giit ni Abalos.

Sa ulat, habang binabaha umano ang Davao City noong Linggo, ay nagtungo sa Tacloban City si Davao Mayor Sebastian Duterte para umano mangampanya na unang napabalitang tatakbo sa Senado.

Dahil dito, plano umano ng DILG na pagpaliwanagin si Baste kung bakit wala ito sa kanyang nasasakupan o pwesto habang binabaha ang kanyang mga kababayan. Batay sa Local Government Code, ang mga lokal na ehekutibo ay dapat na nasa area of responsibility sa panahon ng mga kalamidad.

Nabatid na ipinost pa umano ng mga taga-Tacloban ang ilang larawan at video ng mag-amang Rodrigo at Baste Duterte na nasa entablado na umano’y tila nangangampanya na.

Show comments