Kelot itinumba ng karibal sa babae

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 30-anyos na lalaki nang siya ay barilin ng karibal nito sa nililigawang babae,naganap kamaka­lawa sa Obando, Bulacan.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Paul Meneses, kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRO).

Naaresto naman ang suspek na karibal nito sa babae na si Lemuel Capistrano;at kasabwat nitong si Nomer Barliso.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, alas-2:30 ng madaling araw ay kumakain sa isang karinderya sa kahabaan ng M. Jacinto St., Brgy Paco ang biktima nang duma­ting ang isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang suspek.

Bumaba dito ang ang­kas na si Capistrano at nilapitan si Meneses at walang kaabug-abog na pinagbabaril na agad nitong ikinasawi.

Nang masigurong napatay ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Naglunsad ang pulisya ng hot pursuit operation at agad naaresto ang mga suspek sa Caloocan City.

Show comments