FL Liza Marcos nagbigay ng 83 mobile clinic

MANILA, Philippines — Nagkaloob si First Lady Liza Araneta-Marcos ng 83 bago at mo­dernong mobile clinics sa pitong lalawigan sa Central Luzon, partikular na sa mga remote areas.

Ang pamamahagi ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikipagtuwang na rin sa Department of Local Government Unit, Philippine Charity Sweepstakes Office at Act Agri-Kaagapay Organization.

Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” or LAB program, na isang healthcare project na pinasimulan ng supportive at compassionate na maybahay ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. at inilunsad kamakailan sa Maynila.

Ang mga newly donated mobile clinic ay mayroong examination, laboratory, at x-ray facilities, gayundin ng medical essentials gaya ng patient bed, infrared thermo­meter, patient monitor, at mga medical equipment, kabilang na ang electrocardiogram, ultrasound, cholesterol monitoring, glucose testing, at blood hematology tools.

Alinsunod sa bisyon na ito, ang mga mobile clinics ay may mahalagang papel sa pagkakaloob ng preventive health services direkta sa mga komunidad.

Sinabi naman ni Act Agri-Kaagapay founder President at Author ng librong Leave No Body Hungry na si Virginia Ledesma Rodriguez na ang inisyatiba ay alinsunod sa commitment ni Pang. Marcos Jr. na magkaloob ng mahahalagang serbisyo at gabayan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Ang mga klinika ay magpapasilidad ng regular na health screening upang matukoy ng maaga ang karamdaman ng pasyente, para sa agarang interbensiyon dito, na magpapahusay sa kalidad ng buhay ng mga Pinoy.

Show comments