^

Police Metro

7 bahay inararo ng trak, 6 utas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang anim katao nang araruhin ng isang truck ang pitong bahay kahapon ng madaling araw sa Tinambacan District, Calbayog City, Samar.

Kabilang sa nasawi ang apat na babae at dalawang lalaki na miyembro ng mga  pamilya Ompad at Velarde na noon ay natutulog sa mga bahay nang maganap ang aksidente.

Arestado naman ang driver ng truck na si Chiko, 40 ng Caloocan City.

Nangyari ang aksidente alas-12:00 ng madaling araw sa Maharlika highway sa Brgy. Caglanipao Sur, Tinambacan District, Calbayog City, Samar.

Ayon sa report ng pulisya, galing sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran ang self loader truck at patungong bayan ng Allen, Northern Samar nang mawalan umano ng preno ang  truck.

Kaya’t tuluy-tuloy ang truck hanggang sa araruhin ang pitong bahay.

Sugatan din ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, physical injury at damage to properties.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with