4 baybayin sa bansa, mataas pa rin sa red tide - BFAR

MANILA, Philippines — Sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), umiiral pa rin ang “shellfish ban” sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) na nasa shellfish doon tulad ng tahong, talaba at halaan.

Kaya’t pinag-iingat ng BFAR ang publiko sa pagkain ng shellfish mula sa apat na baybayin dahil mapanganib ito sa kalusugan.

Ligtas namang kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta huhugasang mabuti bago lutuin at kainin.

Show comments