3 Chinese arestado sa P3.4 milyong shabu

MANILA, Philippines — Tatlong Chinese ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operations at nasamsam ang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa.

Kinilala ang mga naarestong Chinese na sina Bin Da, 23; Hei Xiao, 21; at Gua Xiao, 20 pawang nanunuluyan sa Shanghai Bldg., Brgy. Balibago, Angeles City Pampanga.

Sa report ng PDEA Region 3, nakatanggap ng impormasyon ang otoridad kaya agad nagsagawa ng berepikas­yon at tuma­gal ng isang buwan ang surveillance hanggang sa maikasa ang buy-bust operations.

Kakasuhan ang tatlong Chinese ng paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (cons­piracy to sell drugs) ng RA 9165 na isang non-bailable offense.

Show comments