6 katao kinasuhan sa gulo sa ‘Wattah Festival’

Residents of San Juan City enjoy the 16th Wattah Wattah Festival on June 24, 2019.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Anim na katao na una nang inaresto matapos na magdulot ng abala at mang-harass ng mga tao sa kasagsagan ng selebrasyon ng Wattah! Wattah Festival! sa San Juan City noong Hunyo 24.

Ito ang inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora kahapon at kaagad ring sinampahan ng kaso ang mga ito sa piskalya.

Kabilang aniya sa mga kinasuhan ay ang lalaking nanaboy ng muriatic acid sa ilang residente na nambasa sa kanya.

Sinabi ni Zamora na personal pa niyang sinamahan sa prosecutor’s office upang mag­hain ng reklamo ang isang delivery rider na binasa na ay binatukan pa ng isang residente habang nagtatrabaho ito.

Matatandaang sa taunang Wattah! Wattah Festival! sa San Juan ay nagkaroon ng kaguluhan matapos na ilang residente ang nanaboy ng tubig sa mga dumaraan, kahit na nagtatrabaho o papasok ang mga ito sa trabaho.

Ipinaliwanag ni Zamora na mahigpit nila itong ipinagbabawal, alin­sunod na rin sa umiiral na ordinansa ng lungsod.

Tiniyak naman ni Zamora na magsasagawa sila ng kaukulang adjustment sa pagdiriwang ng naturang okasyon, upang maiwasan nang maulit ang mga ganitong pangyayari.

Show comments