^

Police Metro

2 mister sa Rizal, todas sa kaalitan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang mister sa magkahiwalay na insidente ng pagpatay sa lalawigan ng Rodriguez, Rizal, kama­kalawa.

Sa Brgy. San Rafael, alas-6:20 ng gabi ay gini­litan sa leeg ang biktimang si Edwin Zarandon, 59, magsasaka, ng Sitio Yagit Hills Side ng kanyang naakalitan na kainuman na si Ronnie Dinla, 33, signage installer, na agad naaresto.

Nauna rito, masayang nag-iinuman ang biktima at suspek nang sa di pa malamang kadahilanan ay magkapikunan ang mga ito.

Sa Brgy. Macabud, alas-2:10 ng hapon ay pinatay sa taga sa ulo ang biktimang si Birgo Reno, 55, ng Sitio Laan ng suspek na si alyas Rene, 59, ng Sitio Proper 2 na tinutugis ng pulisya.

Nabatid na nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek sanhi upang kumuha ang una ng isang sumpak at tinangkang barilin ang huli ngunit hindi ito tinamaan.

Kaagad gumanti ang suspek at bumunot ng itak at saka tinaga ang biktima sa ulo na ikinasawi agad nito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with