Lalaki tumawid sa EDSA Busway, patay

Sa initial report ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT, binabagtas ng bus carousel ang southbound ng EDSA Busway nang bigla umanong sumulpot ang biktima.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong masagasaan ng bus habang tumatawid sa EDSA Busway sa Rotonda, Pasay City.

Sa initial report ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAICT, binabagtas ng bus carousel ang southbound ng EDSA Busway nang bigla umanong sumulpot ang biktima.

Dahil hindi napansin ng bus driver ang biglaang pagtawid kaya nabangga ito.

Sa lakas nang pagkakahampas ng ulo ng biktima sa windshield ng bus ay nagulungan at nabasag ang bungo nito.

Patuloy ang babala ng SAICT at Department of Transportation sa publiko na tumawid lamang sa tamang tawiran at gumamit ng overpass upang maiwasan ang ganitong aksidente.

Show comments