^

Police Metro

Hideout ni Bantag, tukoy na! -  DOJ

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaasahang maaresto na sa susunod na mga araw ang itinuturing nang “wanted” na si dating Bureau of Corrections (BuCor) Gerald Bantag makaraang matukoy na ng mga otoridad ang hideout o pinagtataguan nito.

Sa media forum sa Que­zon City, sinabi ni DOJ spokesman Mico Clavano na nagsasagawa lamang ng kaukulang pag-iingat ang mga otoridad sa pag-aresto kay Bantag matapos sabihin ng huli na mas mainam na siya ay mamatay kaysa sa makulong sa bilangguan.

Si Bantag ang sinasabing nasa likod ng pananam­bang at pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

“We are aware of his whereabouts. It’s just that alam naman natin na hindi talaga ‘yan papayag na magpahuli ng buhay. Mahirap din na ilagay natin ang law enforcement agents in precarious or a dangerous spot. We hope to do this in the most peaceful manner,” sabi ni Clavano.

Tikom naman ang bibig ni Clavano kung saang lugar nagtatago si Bantag. Aniya ito ay nasa malayong lugar na pinalilibutan ng kanyang mga supporters.

Noong Abril ay pinuntahan ng mga tauhan ng NBI ang umano’y pinagtataguan ni Bantag  sa Baguio City pero bigo itong madakip doon.

Umaasa naman si Clavano na mapayapang susuko sa mga otoridad si Bantag at hindi na magdudulot pa ng kaguluhan ang gagawing pag-aresto sa kanya.

Aniya, bukas naman ang gobyerno para sa mapayapang pagsuko nito sa mga otoridad.

GERALD BANTAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with