^

Police Metro

Kagamitan sa pag-torture, nadiskubre sa 5 villas ng Fontana Resort - PAOCC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iba’t ibang kagamitan sa pag-torture ng tao ang nadiskubre sa limang villas ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.

 Ito ang ibinunyag ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) kung saan kabilang sa kanilang mga natagpuan ay iba’t ibang uri ng patalim, baseball bats, tasers o pangkur­yente at retractable batons.

Sa kabila nito, ayon kay PAOCC spokesman Winston John Casio, imposible na may tino-torture sa lugar dahil may ilan ding naninirahan sa lugar.

Malaki aniya ang posibilidad na bitbit ng mga taong konektado sa illegal POGO (Philippine offshore gaming operator) ang mga kagamitan nang matunugan ang pagsalakay ng mga awtoridad.

Sinabi ni Casio na batay sa kanilang impormasyon, ang mga villas ay ginagamit ng mga umano’y business associa­tes ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ang limang villas ay ginamit na hideouts matapos na salakayin noong Marso ang illegal POGO na Zun Yuan Techno­logy Inc..

Lumilitaw na dito rin tumakbo o nagtago ang umano’y “boss” ng illegal POGO.

Nasakote ng mga awtoridad sa ginawang raid nitong Huwebes ang nasa 19 na dayuhan, isang dating pulis at sinasabig security officer ni Guo. Subalit itinanggi naman ng dating pulis na kilala niya si Guo at may koneksiyon siya rito.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with