^

Police Metro

Libreng college entrance examination batas na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ganap nang batas ang panukala na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher education institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong estud­yante matapos itong mag- “lapse into law,” ayon sa Malacañang.

Layunin ng Republic Act No. 12006 na tatawagin ding ‘Free College Entrance Examination Act’ na pagaanin ang tertiary education sa mga kapos-palad ngunit matatalinong mag-aaral kung saan hindi na sila sisingilin sa entrance examination fees at charges para sa college admission.

Sa ilalim ng bagong batas ang lahat ng private HEIs ay inaatasang huwag maningil ng naturang fees at charges na ipinatutupad sa graduates at graduating student na nag-aaplay para sa college admission.

Ang batas ay para sa mga natural-born Filipino citizen at mula sa top 10% ng graduating class. Dapat din ay mula sila sa pamilya na walang kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong estudyante sa alinmang pribadong eskwelahan sa bansa at kinakailangan na kumpletuhin ang requirements.

Inaatasan ang Commission on Higher Education (CHED) na parusahan ang mga pribadong eskwelahan na lalabag sa bagong batas.

Pinababalangkas din ang CHED ng Implementing Rules and Regulations (IRR) sa loob ng 60 araw mula nang ma­ging epektibo ang batas. Inaatasan din ang CHED na makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd).

Sa ilalim ng Konstitusyon, may 30 araw ang Pangulo ng bansa na lagdaan ang batas o i-veto. Magiging batas ito kung hindi aaksyunan ng Pa­ngulo ng bansa sa loob ng 30 araw.

COLLEGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with