^

Police Metro

Lolo na wanted sa rape, natiklo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lolo na wanted sa kasong rape ang inaresto ng mga otoridad sa ikinasang manhunt operation sa Pasig City kahapon.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Nardo,’ 63, construction worker, residente ng Brgy. San Miguel, Pasig City at itinuturing na top 2 most wanted person ng pulisya.

Sa ulat, alas-12:10 ng madaling araw kahapon nang madakip ng mga pulis ang suspek sa Luis St., Brgy. San Miguel nang matukoy ang kinaroroonan nito.

Hindi na nakapalag ang suspek nang silbihan ng mga pulis ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jesus Angelito Jr., Presiding Judge ng Pasig City Regional Trial Court Branch 261, noong Setyembre 13, 2022 dahil sa kasong rape.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with