MANILA, Philippines — Napatay ang 7 miyembro ng New People’s Army (NPA) nang makaengkuwentro ang tropa ng Army’s 84th Infantry Battalion sa Pantabangan, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon.
Sa pahayag ng 703rd Infantry Brigade ng Philippine Army, ang naturang engkuwentro ay sa ginagawang hot pursuit operations buhat sa isinagawang aerial strike ng militar laban sa Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng CPP-NPA sa Nueva Vizcaya noong Hunyo 20 sa Sitio Marikit East, Brgy. Abuyo, Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya.
Kasunod nito, iniulat din ng militar na hindi bababa sa 10 matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng tatlong M14 rifles, anim na M16 rifles, isang M16 rifle na may nakakabit na M203 rifle, low powered firearm, subversive documents at personal na gamit sa lugar.
Ayon kay 84IB commanding officer Lt.Col. Jerald Reyes, napigilan ng pamahalaan ang plano ng mga terorista na muling mang impluwensiya ng mga komunidad gamit ang pananakot.Wala namang nasawi o nasaktan sa panig ng pamahalaan. - Joy Cantos, Christian Ryan Sta.Ana, Victor Martin