Ina at tiyahin tiklo sa pagbebenta ng sexual video ng anak sa online
MANILA, Philippines — Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) Human Trafficking Division ang isang ina at tiyahin ng 11- taong anyos na biktima dahil sa pang-aabuso sa Quezon City.
Sa halagang P 25,000 kada-transaksyon nakuhang ibenta sa online ng mismong nanay ang 11-anyos na babaeng anak nito sa mga foreigner kasabwat mismo ang tiyahin ng biktima.
Sa harap ng media, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, nagsimula ang bentahan nang malalaswang larawan noong limang taong gulang pa lamang ang naturang biktima.
Sinabi ni Atty. Olga Angustia-Gonzales, nakarating ang impormasyon sa NBI sa modus ng nanay at tiyahin ng biktima mula sa timbre ng isang non-governmental organization na may nag-aalok ng sexual video recorded content at live sexual shows sa mga foreigner.
Sa isinagawang entrapment operation ng NBI, napatunayang lehitimo ang pang-abuso sa menor de edad kapalit ng pera.
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek, at wala rin itong piyansa dahil maituturing na qualified online abuse ang naturang krimen.
- Latest