Obrero minanyak ang utol ng katrabaho, tinodas

Arestado naman ang suspek na si Jose Mark Espinosa Lobrio, 31, ng No. 264 Unit 4, Riverside Ext., Brgy. Commonwealth, Quezon City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng kanyang katrabaho, dahil sa umano’y pagmamanyak nito sa kanyang kapatid na babae habang sila ay nag-iinuman, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Analito Mergullas Penados, 49, residente ng Saret St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Arestado naman ang suspek na si Jose Mark Espinosa Lobrio, 31, ng No. 264 Unit 4, Riverside Ext., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang insidente, alas-9:30 ng  gabi nitong Martes sa bahay ng suspek ay nag-iinuman sila kasama ang mga kamag-anak at biktima.

Napansin ng suspek ang paghimas ng biktima sa hita ng kanyang kapatid na babae na si alyas Ana.

Agad na kumuha ng kutsilyo ang suspek at inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang dinala sa ospital ang biktima suba­lit namatay din. Tinangka pa ng suspek na tumakas subalit, naaresto rin ng mga otoridad.

Show comments