^

Police Metro

Alice Guo may kapangalan sa NBI document

Malou Escudero - Pang-masa
Alice Guo may kapangalan sa NBI document
This photo shows the documents from the NBI database which shows two identities with the name Alice Leal Guo.
Risa Hontiveros/Facebook

Stolen identity?

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senadora Risa Hontiveros ang tunay na pagkakakilanlan ni suspended Bamban Mayor Alice Guo matapos ibunyag sa isang dokumento mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagpapakita ng litrato ng isa pang babae na may pangalang Alice Leal Guo.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa sinalakay na POGO hub sa Bamban, Tarlac kung saan iniuugnay si Guo, sinabi ni Hontiveros na nakasaad sa dokumento ng NBI na may dalawang Alice Leal Guo na may parehong birthday, Hulyo 12, 1986 at pareho rin ang spelling ng kanilang pangalan.

Nakadeklara din doon na Tarlac ang parehong lugar ng kapanganakan ng dalawang Guo.

“Is it a coincidence na may dalawang Alice Leal Guo na pinanganak on July 12, 1986, sa Tarlac? Is it a coincidence that this NBI clearance was applied for just a few days before the date of filing of the delayed registration of birth of the other Alice Leal Guo in Tarlac City? Or is this a case of stolen identity?” tanong ni Hontiveros.

“Has Guo Haping assumed the identity of a Filipino woman and then nearly a decade later, ran for public office? Sino po ang babaeng ito na may pangalang Alice Leal Guo pero hindi kamukha ni Mayor? Nasaan na po siya ngayon?” dagdag pa niya.

Matatandaan na nauna nang naglabas si Senador Sherwin Gatchalian ng record mula sa Board of Investments ng aplikasyon ng pamilya Guo para sa Special Investors Resident Visa (SIRV).

Makikita doon na isang Guo Hua Ping na pumasok sa Pilipinas noong Enero 12, 2003 noong 13-anyos pa lamang ito.

Ayon pa kay Hontiveros, hiniling na niya sa NBI ang biometrics ni Guo Hua Ping at Mayor Alice Guo para ikumpara ang kanilang fingerprints.

ALICE GUO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with