MANILA, Philippines — Hindi dadaluhan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa imbestigasyon ng House of Representatives sa war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa payo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Bagama’t hindi pa siya nakakatanggap ng opisyal na imbitasyon mula sa House Committee on Human Rights, sinabi ni Dela Rosa na humingi siya ng patnubay kay Escudero kasunod ng mga pangyayari sa Kamara kamakailan.
Nilinaw ni Dela Rosa na sinusunod lamang niya ang matagal ng tradisyon sa Senado na sundin ang kanilang nangungunang pinuno.
Sabi pa ni Dela Rosa na yung mga nag-aakusa sa kanila ay dapat magsampa ng kaso sa korte at haharapin nila ito.