^

Police Metro

Apela ni Bantag sa murder case, ibinasura ng CA

Mer Layson - Pang-masa
Apela ni Bantag sa murder case, ibinasura ng CA
Suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag.
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni dating Bureau of Corrections (BuCor) director general Gerald Q. Bantag na ibasura ang kinakaharap nitong murder case kaugnay sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid noong Oktubre 3, 2022.

Sa apat na pahinang resolusyon, dinismis ng CA Second Division ang petition for certiorari ni Bantag na kumukwestiyon sa desisyon ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 254 noong Nobyembre 2023, na nagbabasura sa kanyang inihaing motion to quash information at naglalabas ng warrant of arrest laban kay Bantag.

Ayon sa CA, nabigo si Bantag na sundin ang procedure sa paghahain ng certiorari, kasama na ang conformity ng Office of the Solicitor General (OSG) sa paghahain ng petisyon.

Anang appellate court, “only the OSG may bring or defend actions on behalf of the Republic of the Philippines, or represent the People or State before the SC and the CA.”

Ipinaliwanag nito na sa ilalim ng manual for pro­secutors, lahat ng hiling para maghain ng petition for certiorari ay dapat na dumaan muna sa Office of the prosecutor general para sa ebalwasyon at pag-apruba bago ang endorsement sa OSG.

GERALD BANTAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with