^

Police Metro

4 Pinay entertainers na nakulong sa South Korea nakauwi na sa Pinas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na Pinay na isang linggong nakulong sa South Korea dahil sa illegal na pagtatrabaho bilang entertai­ners sa isang bar ang nai-deport na sa Pilipinas.

Sa ulat ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI)- Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) na dumating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) ang apat na Pinay, lulan ng Jeju Air flight mula sa South Korea.

Nabatid na ang mga naturang Pinay ay isang linggong nakulong sa naturang bansa matapos na mahuli bunsod ng ilegal na pagtatrabaho bilang entertainers o walang kaukulang work visa.

Ayon sa mga biktima, naloko sila ng isang kapwa Pinoy, na nag-alok ng trabaho sa kanila sa South Korea.

Inutusan umano sila nito na makipagkita sa isang Korean national na siyang mag-aasikaso ng pagpro­seso ng kanilang mga dokumento.

Lumitaw sa imbestigasyon na gumagamit ang mga biktima ng mobile phone app na Telegram upang makipag-komunikasyon sa kanilang recruiters, na siyang nag-alok sa kanila ng trabaho bilang entertainers sa isang bar, at may pangakong monthly salary na P80,000 hanggang mapaso ang kanilang tourist visa na tatagal ng 59-araw lamang.

Ayon sa isa sa mga biktima, isang kasamahan nilang Thailand national, na may asawang Koreano, ang nagsumbong sa mga otoridad, na nagresulta sa kanilang pagkaaresto at pagkabilanggo hanggang sa tuluyan silang maipa-deport.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with