100K Surigaonon naayudahan ng BPSF

MANILA, Philippines — Umabot sa 100,000 Surigaonon ang natulu­ngan ng gobyerno nitong Sabado mula sa pagkuha ng mga NBI at police clearance, birth certificate, TESDA certification at marami pang iba.

Ito ay bahagi ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na programa ng Pangulong Marcos para ilapit ang mga ahensya ng gobyerno at ibigay ang mga kailangan ng mga tao.

Si Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kumatawan sa Pangulong Marcos sa BPSF sa lungsod ng Bislig, Surigao del Sur kasama ang 77 mambabatas.

Bukod sa mga serbisyo, namahagi rin ng halos P600 milyon na ayuda ang pamahalaan mula sa mga cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at scholarship grant naman ng Commission on Higher Education (CHEd).

Laking pasasalamat ni Rosario, 28, ng Bislig City dahil nakakuha siya ng certification at clearance para makapagtrabaho overseas dahil sa nakatipid ng pamasahe at mahabang pila.

Nasa 6,000 residente ng Surigao del Sur ang nabiyayaan ng Cash and Rice Distribution (CARD) na programa ni Speaker Romualdez na kung saan ay nakatanggap ng P3,000 cash at 10 kilos na bigas ang mga card beneficiaries na galing sa mahirap ng sektor ng lalawigan.

Show comments